--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ni  Governor Manuel Mamba kay Kalihim Delfin Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa o DND na magtalaga ng mga kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU para tumulong sa pagbabantay sa pagpapatupad sa Cagayan River Restoration Project.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Manuel Mamba sinabi niya na sa kanyang pakikipagpulong kay Kalihim Lorenzana ay nasabi niya ang kanilang kahilingan na karagdagang pwersa para sa pagbabantay sa mga proyektong isasagawa tulad ng restorasyon sa ilog Cagayan at reopening ng port sa Aparri at ang mga itatayong mga tulay sa kahabaan ng Ilog Cagayan.

Aniya, may ginagawang pangingikil ang mga kasapi ng NPA kapag nagkakaroon ng mga malalaking proyekto.

Aniya bilyong piso ang halaga ng mga isasagawang proyekto ngayong taon kaya kailangang maproteksyunan ito upang maisagawa ito ng walang nakakapanggulo.

--Ads--

Ayon kay Mayor Mamba kasalukuyan na ang recruitment ng Armed Forces of the Philippines ng mga karagdagang Units para ipadala sa kanilang Area of Responsibility.

Umaasa naman ang Gobernador na maisagawa na ang nasabing proyekto sa lalong madaling panahon at maging regular na aktibidad na ang maintenance sa ilog Cagayan upang maiwasan na ang hindi kanais nais na dulot nito sa buhay ng mamamayan.

Isa rin sa gagawin ngayong taon ang reopening ng port sa Aparri Cagayan na makakatulong sa ekonomiya ng Rehiyon dahil ilang mayayamang bansa ang malapit sa Luzon tulad ng China, Taiwan, Japan at South Korea na purong industrialized na ang ekonomiya kaya puro import na ang mga ito.

Aniya ang mga proyektong isasagawa ay hindi lang para maiwasan ang pagbaha kundi para makapagbukas din ng uportunidad sa mag proyekto ng rehiyon sa eksportasyon nito sa ibang mga bansa.

Ang bahagi ng pahayag ni Governor Manuel Mamba.