--Ads--

CAUAYAN CITY – Puwedeng magrekomenda ang mga mayor sa Regional Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease IATF-EID) ng dagdag na panuntunan sa pagpapatupad nila ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Rodito Albano na puwedeng sumulat ang mga mayor sa Regional IATF-EID ng nais nilang idagdag na panuntunan dahil sila ang nakakaalam sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Samantala, binanggit ni Gov. Albano na nagpasa sila ng resolusyon sa Governors League of the Philippines na hihiling sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibalik na sa normal ang banking hours.

Sinabi pa ni Gov. Albano na iminungkahi nila sa pulong ng Governors league na puwede silang umutang para ipautang sa mga Small Medium Enterprises (SME’s) na 1.5% lang ang interest para mabilis silang makarecover pagkatapos ng lockdown.

--Ads--

Sinabi pa ni Gov. Albano na sa Provincial Capitol ay ipatutupad niya hanggang matapos ang taon ang relyebo na pagpasok ng mga kawani para maipairal ang social distancing.

Ang tinig ni Gov. Rodito Albano