--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalam sa kanyang ina na pupunta sa lamay ang isa sa dalawang menor de edad na sakay ng motorsiklo na naaksidente sa tulay sa Napaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt Mario Discipulo, hepe ng Reina Mercedes  Police Station na ang mga biktima ay sina  Janjan Galolo, grade 10 student  at Christian Julian grade 11 student, kapwa 17 anyos at residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Una rito, sa pagtugon ng mga pulis ay ang katawan lamang ni Galolo ang nakahandusay sa pinangyarihan ng aksidente kaya ang alam nila ay siya lamang ang lulan ng motorsiklo ngunit napag-alaman na angkas nito ang kanyang pinsan na si Christian Julian.

Ayon kay PCapt Discipulo, natakot umano si Julian kayat umalis sa pinangyarihan ng aksidente na lingid sa kanyang kaalaman ay  patay na ang  kanyang pinsan na si Janjan.

--Ads--

Lumalabas din sa kanilang pagsisiyasat na nakainom ng alak ang magpinsan at pabalik-pabalik sa  bayan  sakay ng motorsiklo na parang nagjo-joy ride.

Nabangga aniya ng motorsiklo ang gutter ng tulay sanhi para matumba, tumilapon at nabagok ang ulo ng binatilyo.

Ang tinig ni PCapt Mario Discipulo

Hindi naman makapaniwala si Ginoong Juan Galolo na namatay ang kanyang anak na si Janjan dahil maayos na nagpaalam sa kanyang ina kagabi upang makilamay.

Nagulat na lamang siya ng hindi pa naisusuga ng kanyang anak ang alagang baka hanggang ibalita sa kanya na naaksidente na ang anak.

Ang tinig ni Ginoong Juan Galolo