CAUAYAN CITY – labis labis ang kalungkutan ang nararandaman ngayon ng pamilya ng isang 16 anyos na binatilyo makaraang makuryente at mamatay sa barangay Villa Fermin, Echague, Isabela.
Ang biktima ay si Zyron Valisno, Grade-11 student, residente ng nasabing barangay.
Ang biktima ay tumutulong sa kanyang ama na mag-abono sa kanilang mga pananim na mais ngunit hindi nito napansin ang nakalaylay na linya ng kuryente.
Ang biktima ay nakuryente sa ulo dahil sa mababang service drop wire.
Dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician ang biktima.
Labis labis ang kalungkutan ng pamilya ng biktima dahil masipag at nagtatrabaho ang mag-aaral kapag walang pasok sa paaralan upang may magastos sa kanyang pagpasok sa paaralan.