--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga miyembro ng Cauayan City Police Station ang isang Grade 11 student na may kinakaharap na kasong statutory rape sa San Francisco, Cauayan City.

Ang akusado na itinago sa pangalang John ay 18 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Isinilbi ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court (RTC) Branch 20 Cauayan City dahil sa kasong statutory rape.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na dinala Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon bago ipinasakamay sa Court of Origin.

--Ads--