--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahanap na ng mga kasapi ng Kayapa Police Station ang isang magsasaka matapos nitong gahasain ang Grade 5 pupil sa barangay Latbang Kayapa,Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Kayapa Police Station, itinago ang biktima sa pangalang Cherry habang ang suspek ay si Jimmy Dagiw, nasa wastong edad at residente ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima sa Women and Children Protection Desk ng PNP Kayapa na papauwi na siya galing ng paaralan ay sinundan siya ng suspek at matagumpay na naisakatuparan ang panggagahasa sa biktima.

Bagamat pinagbantaang ng suspek ang biktima ay nagsumbong sa kanyang mga magulang kaya’t agad na ipinasuri ang anak sa Doktor.

--Ads--

Ang biktima ay ipinasakamay sa pangangalaga ng DSWD para sa counselling habang inihahanda na ang kasong panggagahasa laban sa suspek.