--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na ng matagpuan ng mga kasapi ng rescue 922 at iba pang rescue team ang katawan ng isang grade 5 na batang babae na nalunod sa ilog na sakop ng Research Minante Uno, Cauayan City.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Janine, kapatid ng biktimang si Valerie Concepcion na nalaman lamang niya na naligo sa ilog ang kanyang kapatid nang makita sa gilid ng ilog ang kanyang damit.

Hindi aniya kaagad sinabi ng dalawang lalaki na kalaro ng kanyang kapatid na nalunod si Valerie.

Kumuha umano sila ng mga bunga ng mangga bago nagkayayaan na maligo sa ilog.

--Ads--