CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapagaling sa isang pagamutan sa lunsod ng Tuguegarao ang isang Grade 9 pupil matapos mabangga ng isang tricycle sa Brgy. Marabulig, Cauayan City.
Ang biktima ay si John Mark Macarilay, 18 anyos, habang ang tsuper ng tricycle ay si Ernesto Velasco Jr., 43 anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, patungong silangang direksyon ang tricycle at nang makarating sa lugar ay biglang tumawid ang biktima na nagresulta ng kanyang pagkakabangga.
Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang naturang biktima.
Agad namang tinugunan ng mga kasapi ng Rescue 922 at isinugod sa isang pribadong pagamutan subalit inilipat din sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City dahil sa matinding tinamong pinsala sa katawan.




