CAUAYAN CITY- 90% ng mga magsasaka ng sibuyas at bawang sa Bambang Nueva Vizcaya ang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jocelyn Agcaoili ang Presidente ng Women’s Garlic and Onion Growers Association Inc. ng Bambang, Nueva Vizcaya, sinabi niya na sa kabuuan ay sumampa sa 90% ang napinsala sa mga onion farmers dulot ng Bagyong Pepito.
Aniya marami na ang mga nakapag punla ng sibuyas at bawang sa Nueva vizcaya bago paman nanalasa ang Bagyong.
Partikular sa mga nasira ay mga punla kaya naman malaking suliranin para sa kanilang mga magsasaka ng sibuyas at bawang kung saan kukuha ng punla bilang pasimula para makabawi sa pagsasaka na pangunahing pinagkukunan nila ng pangkabuhayan.
Ito aniya ang unang pagkakataon na napinsala sila ng matindi sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyo.
Sa kasalukuyan ay nag aani sila ng mga off season na sibuyas at dahil sa epekto ng Bagyo ay malaki ang posibilidad na sumirit ang presyo nito sa merkado.