Puspusan na ang paghahanda ng buong production team ng Miss Tourism PH na pinapangunahan ng Pageant Director para sa Coronation Night na gaganapin mamayang gabi, isinagawa kanina ang unang rehearsal ng mga kandidata sa F.L DY Coliseum.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Steven Bernardo, ang Pageant Director ng naturang event, ibinahagi nito na bagama’t may ilang pagsubok tulad ng biglaang pag-back out ng ilang sponsors, agad naman itong nabibigyan ng solusyon ng kanilang team.
Dagdag pa niya, inaanyayahan ang buong Pilipinas na suportahan ang mga kandidata sa gaganaping Coronation Night mamaya pasadong alas 9 ng gabi na may libreng admission para sa publiko.
Inaasahang magiging tampok sa coronation night ang ganda, talino, at adbokasiya ng mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, kinumpirma ng Cauayan City rescue 922 ang magiging partisipasyon ng kanilang hanay sa mangyayaring Miss Tourism Philippines 2025 Coronation Night mamaya.
Magtatalaga ang rescue 922 standby rescuers upang maka responde sa mga pangangailangan ng mga dadalo sa event.
Matatandaan nang magsagawa ng sashing ang mga kandidata ay mayroong ilan ang nakaranas ng pagkahilo. Dagdag pa nila, bagaman hindi hinihiling na mangyari ulit ito, isa sa sinusubaybayan ng kanilang hanay upang may agarang tutugon sakaling magkaroon ng parehong insidente. Bukod pa ito sa posibilidad na mayroon ding marerespondehan na mga dadalo sa pagtitipon.
Giit ng opisina, ang mga standby medical team o medic ay paunang aksyon na kanilang ginagawa upang masiguro na matutuganan agad ang pangagailangang medikal nang sinumang nangangailangan dito.
Tiniyak ng opisina na bukod dito, mayroong pa ring mga nakakalat na rescuer na reresponde naman sa mga insidente bukod sa mga nakastandby sa event.
Paalala rin ng mga ito sa mga dadalo ng event na unahin muna ang kanilang kalagayang pang kalusugan at i-assess kung kakayanin makipaghalubilo lalo pa at maraming mga dadalo sa pagtitipon.







