--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang daang artist na mula sa iba’t ibang bayan at Lunsod sa Isabela ang lalahok sa gaganaping grand exhibit sa anim na venue sa buong buwan ng Oktobre.

ito ay bukod pa sa mga guest artist na mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Michael Castillo, founding chairman ng Isabela artist circle na ang layunin ng kanilang grupo na ipalaganap ang mga natatanging kakayanan at kaalaman patungkol sa arts.

Ang Isabela artist circle ay binubuo ng iba’t ibang talento tulad ng mga mahuhusay sa pagpipinta, sculpture, portraits, drawing, wave arts.

--Ads--

Open anya ang kanilang tema na nangangahulugang kahit anong subject ay maaaring ipinta ng mga artist.

Ang mga professional artist at amateur ay maaring sumali sa grand exhibit.

Bilang paghahanda sa grand exhibit ay nagkaroon ng series of seminar workshops sa iba’t ibang lugar sa Isabela noong buwan ng Agosto.

Dito anya nadiskubre nila ang mga young artist na kalahok sa grand exhibit.

Sa October 1-5 ay mayroong grand exhibit sa Provincial Capitol Lobby sa Ilagan City; sa Oct. 8-10 ay gaganapin sa malaking mall sa Ilagan City; sa October 12-15 ay gaganapin sa isang mall sa Cauayan City; sa Hacienda San Luis, Cauayan City ay gaganapin sa October 17-19 habang sa October 22-24 ay sa Santiago City Hall Lobby at sa October 26-31 Echague municipal hall kasabay ng Mengal Festival ng Echague.

Ito ay open sa public viewing at lahat ng mga naka-exhibit na obra ay for sale o maaring bilihin.