--Ads--

Pinagharian ni Grandmaster Daniel Quizon sa 13th edition ng Kamatyas Rapid Open Chess Tournament na tinaguriang “Blast of Mind Power” na ginanap sa Isabela Convention Center o ICON Cauayan City, Isabela.

Naiuwi ni Quizon ang P30,000 na 1st price ng rapid tilt na inorganisa nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol Jr. ng Kamatyas Chess Club matapos irehistro ang pinakamataas na output na 8.5 points.

Tinalo ni Quizon si Blair Ellizar Caluya sa first round, Saeson Myel Alejo sa second round, Roberto Mina sa third round, Melchor Foronda III sa fourth round, Alexis Emil Maribao sa fifth round, Lordwin Espiritu sa sixth round, Kevin Mirano sa ikapitong round at Rico Sales sa eight round.

Nakipag-draw siya kay Mc Dominique Lagula sa ikasiyam at huling round.

--Ads--

Nakatakdang idepensa ni Quizon ang titulo sa pagtulak ng 3rd Governor Henry S. Oaminal Open Chess Festival sa Nov.4-5 na gaganapin sa Asenso Misamis Occidental Sports and Cultural Center, Capitol Complex sa Oroquieta City, Misamis Occidental.

Pumangalawa si Samson Chhiu Chhin Lim na may 8 puntos, habang sina Lagula, Anwar Cabugatan, Kevin Arquero at Jake Tumaliuan ang pumangatlo hanggang ikaanim na puwesto na may tig-7.5 puntos.

Si Lim ay tumanggap ng P10,000, habang sina Lagula, Cabugatan, Arquero at Tumaliuan ay nakakuha ng P7,000, P5,000, P2,000 at P2,000 para sa pagtatapos ng ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim ayon sa pagkakasunod.

Ang top 10 finishers na may tig-7.0 points ay sina Espiritu , Mirano, Maribao at Sales.-Marlon Bernardino.

Samanatala, ibinahagi ni Melchor Foronda ang kaniyang naging karnasan sa Kamatyas Chess Tournament kung saan humigit kumulang dalawaang daang mga chess player ang nakilahok.

Aniya, matapos na makatapos si Grand Master Quizon sa 4th round ay nakita niyang hindi lamang mga taga NCR ang bihasa sa larong Chess dahil sa napakaraming mga manlalaro ng Chess ang kayang kayang makipagsabayan mula sa Isabela.

Aniya ito na ang ikalawang taon na ginanap ang Kamatyas Chess Tournament dito sa Cauayan City.