--Ads--

CAUAYAN CTY- Umagaw ng pansin ang isang guest relation officer ( GRO ) matapos silang mag-away ng kanyang kostomer sa harapan ng isang drive-in hotel sa Santiago City.

Nag-ugat ang pag-aaway ng dalawa makaraang manggigil ang lalaki at nakagat nito ang dibdib ng GRO sanhi para masaktan at nagwawala habang palabas ng hotel ang babae.

Kaagad tumugon ang mga pulis sa pag-aaway ng dalawa at dito natuklasang binayaran ng lalaki ng Php800.00 ang GRO subalit naudlot ang kanilang plano dahil sa kanilang pag-aaway.

Nagharap sa himpilan ng pulisya ang dalawa at dito napagkasunduang umuwi na lamang ang lalaki at hindi na nasunod ang kasunduan nila ng GRO.

--Ads--