--Ads--

Nasunog ang loob ng isang grocery stall sa loob ng New City of Ilagan Public Market pasado also otso kagabi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Gerry Manguira, City Market Supervisor, sinabi niya na nag-ikot ang kanilang mga watchman sa palengke at napansin ang usok na lumalabas sa isang nakalock na stall.

Agad namang sinira ang lock ng stall para maapula ang sunog sa loob hanggang dumating ang truck ng Bureau of Fire Protection o BFP.

Napigilan ang paglaki ng apoy at batay sa pag-iimbestiga ng BFP at sa pakikipag-ugnayan sa may-ari ng store, napabayaang nakasinding katol ang nagsanhi ng sunog.

--Ads--

Nakadikit ito sa mga paninda na nasa loob na naging dahilan ng pagkalat ng apoy.

Dahil sa nasabing pangyayari ay tiniyak ng pamunuan ng palengke na mas lalo nilang paiigtingin ang pagsuri sa mga pasilidad ng pamilihan tuwing gabi upang maiwasan nang maulit ang pangyayari.

Ayon kay Ginoong Manguira, tuluy-tuloy naman ang kanilang panawagan at pag-abiso sa mga may-ari ng stall sa palengke gamit ang kanilang sound system.