CAUAYAN CITY– Bumalik ang mga ipinadalang rescue responders ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) dahil sa nararanasang masamang panahon sa kabundukan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engineer Ezekiel Chavez ng Divilacan, sinabi niya na nahihirapan ngayon ang kanilang mga rescue responders na tawirin ang mga ilog.
Nararanasan ang masamang lagay ng panahon at tumaas ang antas ng mga ilog kaya nahihirapan silang makatawid.
Sa kabila nito tiniyak naman niya na magpapatuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang Cessna 206 plane oras na gumanda na ang panahon.
Muli niyang hiniling sa publiko ang kanilang kooperasyon at panalangin upang gabayan ang mga responders sa paghahanap sa eroplano at mga sakay nitong limang pasahero at isang piloto na mag-iisang buwan nang nawawala.