--Ads--

CAUAYAN CITTY– Pinagtutuunan ngayon ang ground search and rescue operations sa nawawalang Cessna 206.

Hindi pa maaari ang aerial rescue operations dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Atty. Constante Foronda ng Isabela na siya ring nangunguna sa Incident Management Team na sa kasalukuyan ay mayroon nang 146 katao na kinabibilangan ng mga sundalo, mga pulis, BFP personnel, Rescue teams ng mga Local Government Units, mga opisyal ng Barangay, mga katutubong Dumagat at Agta ang naghahanap ngayon sa lugar na posibleng kinaroroonan ng eroplano.

Bagamat masama ang panahon sa Sierra Madre ay nagpapatuloy ang kanilang paghahanap sa site Alpha kung saan may nakitang white object sa taas ng bundok.

--Ads--

Naghahanap din ang mga kasapi ng Phil. Army sa ibang lugar na sakop pa rin ng sinasabing kinaroroonan ng eroplano

Sinabi pa ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Atty. Foronda na kapag gumanda na ang lagay ng panahon ngayong araw ay mayroong labing dalawang kasapi ng Special Action Force na galing sa Isabela ang ililipad ng eroplano patungong divilacan upang tumulong sa rescue operations.

Inihayag pa ni Foronda na mayroon ding apatnaput dalawang kasapi ng Special Action Force na galing maynila ang bibiyahe ngayong araw patungong Lunsod ng Tuguegarao at bibiyahe patungong Coastal town ng Divilacan.