--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga operatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pulisya ang limang miyembro ng grupong gumagawa umano ng singsing mula sa P10 barya sa Paliton Beach, San Juan, Siquijor.

Gawa sa aluminum bronze ang inner core habang copper-nickel naman ang outer core ng P10 barya.

Ayon sa BSP, ibinebenta sa halagang P1,500 bawat isa ang mga gawang singsing mula sa barya.

Kaya umanong gawin ng grupo ang singsing sa loob lang 40 minuto.

--Ads--

Ayon sa BSP, kumikita ng halos P50,000 kada araw ang grupo, na dayo lang umano sa lugar.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 247 ang mga suspek dahil sa pagsira nila sa mga legal tender coins.

Nasa kustodiya na ng San Juan Municipal Police Station sa Siquijor ang mga naarestong suspek.