Itinuturing ng isang farmer group na panlolokko sa mga magsasaka ang ginagawang guidelines ng Bureau of Plant Industry (BPI) at Department of Agriculture (DA) na nagpahintulot sa pagpsok ng imported na bigas bago ang implementasyon ng import ban noong Setyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Federation of Free Farmers Chairman of the Board Leonardo Montemayor, sinabi niya na sakabila ng umiiral na Rice Import Ban na ipinatupad nitong Setyembre ay maraming mga imported na bigas parin aniya ang nakapasok sa bansa noong buwan ng Agosto.
Sa kanilang datos naitala ang nasa 340,000 metriko tonelada ng bigas na katumbas ng 6.8-M sako o 17,000 na container van ang nakapasok sa bansa.
Ayon sa grupo bagamat maganda ang sinasabi sa EO 93 ay kabaliktaran naman ang ginagawa ng Gobyerno dahil tila niloloko lamang ang mga magsasaka dahil sa pagpapapasok parin ng imported na bigas sa kabila ng import ban.
Ang nangyari aniya naglabas ng guidelines ang BPI sa ilalim ng DA na wala naman sa alituntunin ng EO 93.
Dahil dito ay magsasampa sila ng kaso laban sa Bureau of Plant Industry at DA sa Ombudsman dahil anila sa paglabag sa inilabas na executive order ng Pangulo.











