--Ads--

CAUAYAN CITY- Posibleng magsagawa ng pagkilos ang grupo ng mga healthcare workers sa bansa kung hindi tutugon ang pamahalaan sa isinusulong nilang pestisyon  para sa taas sahod.

Ito ay kasunod ng pagsumite ng Private Healthcare Worker’s Network ng panibagong wage increase petition at Health Emergency Allowance sa Department of Budget and Mamagement o DBM.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jao Clumia, Convenor ng Private Healthcare Worker’s Network, sinabi niya na matagal na silang naghahain ng petisyon ngunit hanggang ngayon ay ‘for funding’ pa rin ang status nito.

Dapat aniyang i-subsidize ng pamahaalan ang pagtaas ng sahod ng mga health workers para hindi mahirapan ang mga maliliit na hospital at para matugunan ang kanilang hinaing.

--Ads--

Naghihikahos na aniya ang bansa dahil sa kakulangan ng mga healthcare workers kaya dapat mabahala ang pamahalaan sa patuloy na pangingibang bansa ng mga Pinoy Nurses.

Aniya, hindi lang kawalan ng health emergency allowance ang dahilan kung bakit umaalis ang mga healthcare workers kundi dahil na din sa maliit na sahod.

Dahil dito ay parang pamahalaan na din mismo ang bumubugaw sa mga healthcare workers na umalis ng bansa.