--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinihiling ng samahang Punganay ng mga indigenous people sa rehiyon dos na alisin ang mga sundalo na nasa kanilang mga lugar dahil sa nararamdaman na nilang takot.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Program Coordinator Marifel Macalanda ng Punganay na balak sana nilang bumuo ng nagkakaisang indigenous people sa rehiyon dos para sa kanilang kapakanan subalit natatakot anya sila sa presensiya ng militar o tropa ng pamahalaan sa kani-kanilang mga lugar.

Dumating pa anya sa punto na inaanyahan umano ang mga indigenous peopleĀ  ng mga sundalo at inililista ang kanilang mga pangalan saka sila idinedeklarang rebelde.

Nakakaramdaman na rin anya ng takot ang IP’s sa mga sundalo na dapat sana ay nagbibigay ng seguridad sa kanila ngunit kabaliktaran sa nararamdaman ng mga mamamayan.

--Ads--

Tinatakot umano ang mga mamamayan at binabalaan na huwag sumali sa anumang organisasyon, kinukunan ng mga larawan at minomonitor kung saan magtutungo ang mga IPs.

Anya naiipit na sila sa labanan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng New Peoples Army at maging ang mga IPs ay pinaparatangang miyembro o supporters ng mga NPA.

Samantala, inihayag naman ni Major Jefferson Somera ng 5th Infantry Division Phil. Army na sa ngayon ay hindi pa nila masasagot ang nasabing paratang.

Ito ay dahil kanila pang kukunan ng pahayag ang pamunuan ng 502nd Infantry Brigade na nakakasakop sa San Mariano, Isabela at lalawigan ng Cagayan.