CAUAYAN CITY – Isusulong ng Novo Vizcayano ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nabigo umano ang ipinangakong pagpapasara sa open pit mining sa Didipio,Kasibu,Nueva Vizcaya at iba pang panig ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Novo Vizcayano Organizer En Ramel na nararapat lamang na ma-impeach na ang pangulo dahil sa paulit- ulit na pagsisinungaling nito hindi lamang sa mga katutubo kundi sa lahat ng pilipino.
Pangunahin nilang inirereklamo ang panghaharass sa mga aktibista,pangangamkam ng lupang pagmamay-ari ng kanilang mga ninuno tulad umano ng mga ginagawa ng Oceana Gold.
Sa ngayon anya ay hinihintay pa ang pagpapahinto sa operasyon ng nasabing kompanya sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil nakakasira ito sa kalikasan.
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente ng Didipio, Nueva Vizcaya at iginiit kay Pangulong Duterte na tuluyan nang ipasara ang operasyon ng Oceana Gold matapos magpaso na operasyon nito.






