--Ads--

CAUAYAN CITY – Tulad ng dati ay hindi lumahok nag mga tsuper at operator ng jeep sa tigil pasada ng PISTON sa kalakhang maynila konta PUV modernization program.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan kay G. Ferdinand Pardo, secretary ng Ilagan-Roxas operators and drivers association, sinabi niya mas gugustuhin nilang kumita para sa kanilang pamilya kaysa lumahok sa tigil pasada.

Bukod dito ay iniisip din nila ang mga pasahero na walang masakyan lalo na ang biyaheng Ilagan City-Roxas na karamihang pumapasada ay jeep.

Nilinaw ni G. Pardo na hindi sila tutol sa PUV Modernization program ng pamahalaan dahil para ito sa mas magandang serbisyo sa mga pasahero.

--Ads--

Ang suliranin nila ay ang malaking halaga sa pagbili ng bagong sasakyan kapag pinagbawalan nang mamasada ang mga lumang jeep.

Samantala, inihayag ni G. Rolando Sayago , pangulo ng PISTON Isabela na tulad ng dati ay hindi sila nakiisa sa tigil-pasada ng PISTON sa kalakhang maynila.

Bukod sa nais nilang tuluy-tuloy ang kita ng mga driver at operator ng jeep ay pagtupad din ito sa napag-usapan nila sa LTFRB region 2.

Noong nakaraang buwan ay inanyayahan sila ng LTFRB region 2 tungkol sa orientation sa phaseout ng mga lumang sasakyan.

Hihintayin pa umano ng LTFRB region 2 ang pasya ng kanilang punong tanggapan sa kalakhang maynila

magsasagawa sila ng flooow up kung wala pa ring tugon at gagawa ng action para sila ay mabigyang pansin.

Nanawagan si ginoong sayago sa mga tsuper at operator na huwag mainip kundi hintayin ang pasya sa kanilang kahilingan.