CAUAYAN CITY – Inihayag ng dating pangulo ng Integrated Bar of the Phils. o IBP na maaring magsilbing aral ng bansa ang gun culture at nagaganap na pamamaril sa Estados Unidos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo Cayosa, dating IBP President na umaasa siyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Atty. John Albert Laylo sa naganap na ramdom shooting sa Philadelphia, Estados Unidos.
Nakakalungkot aniya ang pagkamatay ng batang abogado na magaling at kinokonsiderang incoming Chief of staff ni incoming secretary for migrant workers Susan “Toots” Ople.
Malaki na aniya ang epekto sa imahe at pinsalang idinulot ng mga nagaganap na pamamaril sa Estados Unidos.
Nakapanghihinayang na sa bansang may malaking paggalang sa human rights at rule of law ay may mga nagaganap na patayan at gun culture.
Sinabi ni Atty. Cayosa na hindi naman masama ang humawak ng baril ngunit kinakailangang magkaroon ng sapat na safeguards at assessments bago mabigyan ang isang tao ng karapatang humawak ng baril.