
CAUAYAN CITY – Maaring maharap sa patong patong na kaso at makulong ng ilang taon ang mga gun owner na mahuhulian ng baril sa kasagsagan ng Election Gun Ban sa Bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola Sanguniang Panlalawigan Member ng Isabela sinabi niya na mula ikasiyam ng Enero hangang ikawalo ng Hunyo ay iiral na ang gunban at ilalatag na rin ang mga comelec checkpoints sa bawat boundaries ng mga bayan sa buong lalawigan.
Aniya ang gun ban ay ipinapairal tuwing eleksiyon upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa panahon ng halalan at maiwasan ang paglipana ng mga iligal o unlicensed firearm.
Aniya anumang nasa loob ng glove compartment ng mga sasakyan ay hindi maaaring halughugin ng kawani ng pulsiya kung walang kaukulang search warrant, Gayunman maaaring huliihin at maaaring maging ground upang paghahalughugin ng pulis ang sasakyan kung ang motorista ay lalabag sa batas lansangan tulad ng over speeding o di kaya naman pagtakas sa check point.
Sa kasagsagan ng gun ban ipagbabawal ang pagdadala ng anu mang uri ng baril kahit pa may permit to carry out side residence, maliban kung may gun ban exemption na mula sa COMELEC.
Ang mga mahuhuliian ng baril sa kasagsagan ng gun ban ay maaaring masampahan ng kasong violation on omnibus election code at illegal possesion of firearm at maaaring makulong sa loob ng ilang taon depende sa kalibre ng baril na mahuhuli o masasamsam mula sa gun owner.
Requirement sa hanay ng pulisya na mangangasiwa ng COMELEC checkpoints ang pagsusuot ng uniporme na may name plate upang magiging batayan ng mga motorista sa pagkakakilanlan ng pulis na nagsasagawa ng checking o manganagsiwa sa checkpoint.
Kinakailangan na ang checkpoint ay nakalatag sa lugar na may ilaw o maliwanag kung saan ito madaling makikita ng mga motorsita.










