CAUAYAN CITY- Natukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng gunman na bumaril- patay sa isang private employee sa bayan ng Delfin Albano, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Angelo Pagulayan, hepe ng Delfin Albano Police Station sinabi niya na sa tulong ng mga CCTV at mga saksi sa insidente ay natukoy ay hindi muna pinanglanang isa sa mga suspek partikular ang gunman sa pagpatay sa biktima na si Pablo Ubal, 49- anyos.
Aniya na bago ang insidente habang nakaupo ang biktima sa kanilang terrace kasama ang kanyang tatay ay mayroon umanong dumating sa kanilang bahay at nagpanggap na nagtatanong kung saan ang direksyon papuntang bayan ng Sto. Tomas, Isabela.
Bigla pumasok sa bahay ng biktima ang gunman at doon siya nito pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ayon pa kay PMaj. Pagulayan na batay sa nakalap ng PNP na kuha ng CCTV ay mayroong dalawang suspek sa pamamaril.
Sa ngayon ay patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek hinggil sa pagbaril- patay sa biktima at patuloy din na sinisikap ng mga otoridad na matukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.