--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kaso ang isang guro matapos nitong atakehin ang isang pulis na naka-duty sa Brgy. Anao, Cabagan, Isabela

Ang biktima ay sy SPO3 Allan Castillejos, 41 anyos, may-asawa at nakatalaga sa Cabagan Police Station at residente ng Baculud, San Pablo, Isabela.

Ang suspek ay si Clemente Lim,51 anyos, may-asawa, isang guro at resident of Luquilu, Cabagan, Isabela.

Nag-ugat ang kaso makaraang ang suspek ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin nang bigla nitong inatake ang nasabing pulis habang nasa kanyang official duty.

--Ads--

Dahil dito inaresto ang suspek at kaagad dinala sa Milagros District Hospital sa Ugad, Cabagan para sa kanyang medical examination.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.