CAUAYAN CITY- Kinilala ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Region 2 bilang Most Outstanding Secondary Master Teacher ang isang guro ng Cauayan City National Highschool.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong John Gamueda ang Most Outstanding Secondary Master Teacher sinabi niya na ang paggawad ng pagkilala ay pinangunahan ng DepEd Region 2 na layuning kilalanin ang katangi-tanging mga Teaching at Non-Teaching personel sa sektor ng edukasyon.
Aniya bago mapili ang mga gagawaran ng pagkilala ay nagkaroon ng selection mula sa school base hanggang sa nairekkomenda sa Regional Selection Committee.
Hindi aniya naging madali ang kanilang pinag daanan para makuha ang pagkilala dahil sa napakaraming mga papeles ang kanilang kinailangan na isumite.
Sa katunayan sa loob ng 25 years niya sa serbisyo ay hindi ito ang unang beses na siya ay kinilala dahil sa kontrobusyon niya sa DepEd dahil noong 2018 ay kinilala siya bilang Most Outstanding School People Adviser.
Ang parangal iginawad ng DepEd Region 2 ay isang napakalaking bagay dahil sa sumisimbulo ito sa pagkilala sa knaiyang pagseserbisyo at nagsisilbing inspirasyon para sa iba pa na katulad niyang Guro at iba pang nagnanais na maging Guro.