--Ads--

CAUAYAN CITY – – Nakumpiskahan ng 10 pakete ng hinihinalang shabu ang isang guro sa isinagawang drug buy bust operation  sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Ang naaresto ay si Alfred Narag, 38-anyos, may-asawa at residente ng Purok 6, General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Ang anti-illegal drug operation ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Ramon Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 na nagbunga ng pagkadakip ni Narag at pagkasamsam sa kanya ng P2,000 drug buy-bust money at mga pakete ng hinihinalang shabu.

Narekober din ang isang motorsiklo na ginamit ng guro sa kanyang transaksiyon.

--Ads--

Ang mga nasamsam na ebidensiya at ang suspek ay dinala sa Ramon Police Station para sa dokumentasyon.

Siya ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.