--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang guwardiya at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ) comprehensive firearms and ammunition regulation act ) at paglabag sa omnibus election code.

Ang security guard ay si Henry Davin Palafox, 46 anyos, may asawa at residente ng San Jose, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa station 1 ng Santiago City Police Office, habang binabagtas ang kahabaan ng daan sa Centro East, Santiago City ng isang opisyal ng PNP na si P/Sr. Supt. Fornileo Famila, nakatalaga sa Tuguegarao City ay napansin niya ang isang lalaking nakasibilyan na may dalang shotgun.

Bumaba sa kanyang sasakyang ang opisyal at kinausap si Palafox kaugnay sa ipinapatupad na gun ban ngayong panahon ng halalan.

--Ads--

Wala umanong maipakitang dokumento si Palafox kung kayat dinala siya sa Santiago City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.