--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kaso ang guwardiya na itinuring na person of interest sa panloloob sa Trajano compound sa brgy. Malapat.

Magugunitang nilooban ng dalawang lalaki  ang bahay ng negosyanteng si Imelda Trajano at tinangay ang pera at alahas na nagkakahalaga ng 1.5 million pesos, baril at tatlong mamahaling cellphone ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Cordon Police Station, makikita sa kuha ng CCTV footage ang pagkuha ng guwardiya sa hagdanan mula sa loob ng compound.

Ang hagdan ang ginamit ng dalawang suspek upang makaakyat sa kongkretong bakod at makapasok sa bintana ng bahay ng negosyante.

--Ads--

Ayon sa mga otoridad matibay ang ebidensiya laban sa guwardiya kaya mas lumakas ang hinalang inside job ang nangyaring pagnanakaw.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya at sinisikap na makumbinsi ang suspek upang maisiwalat ang pagkakakilanlan ng kanyang  mga kasabwat.

nasa kustodiya pa rin ng Cordon Police station ang naturang guwardiya.