--Ads--

CAUAYAN CITY – Unti-unti nang naapektuhan ng coronavirus disease (COVID-19) ang ekonomiya ng South Korea matapos na bumaba ang palitan ng South Korean Won sa ibang currencies.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aljhun Aguilar Bermudo Jr. tubong La Trinidad, Benguet at isang Factory Worker sa South Korea, sinabi niya na mula sa dating 48 pesos na palitan ng isang South Korean won ay bumama na ito sa 41 pesos.

Maliban sa foreign currency ay naapektuhan na rin ang produksiyon ng ilang kompaniya dahil may ilang bansa na rin tulad ng Japan ang tumigil na sa pag-aangkat ng mga makinarya at Auto Parts sa South Korea dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Tinig ni Aljhun Aguilar Bermudo Jr., isang OFW sa South Korea.