--Ads--

CAUAYAN CITY – Batay sa pagtaya ng Ilagan City Fire Station, aabot sa dalawang daang libong piso ang halaga ng tinupok ng apoy na isang residential house sa Purok 4 barangay Alibagu, City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Inspector Conrad Ian Casayuran, City Fire Marshall ng Ilagan City Fire Station na ang residential house ay pagmamay-ari ni Sheryl Domingo.

Aniya, nang dumating sila sa lugar ay agad silang nagsagawa ng fire supression upang matiyak na walang madamay na mga kapitbahay pangunahin na ang kalapit na gasoline Station.

Nakasama nila sa pag-apula ng apoy ang mga kasapi ng Ilagan Chinese Volunteer Fire Brigade, BFP Isabela at BFP Gamu.

--Ads--

Tumagal anya ng tatlumpong minuto ang sunog bago naideklarang fire out.

Mayroon ding mga boarders na nakatira sa nasunog na bahay  at walang anumang nailabas na mga kagamitan.

Nagpapasalamat naman ang BFP dahil walang nasugatan o casualty sa naganap na sunog.

Itutuloy naman nila ang pagsisiyasat ngayong araw upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, hinikayat niya ang mga mamamayan na lumahok sa kanilang programa na “Oplan ligtas na pamayanan”  upang mabigyan ng kaalaman ang publiko kung paano makaiwas sa sunog.