--Ads--

CAUAYAN CITY – Pag-aaralan umano ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela kung posibleng gawing kalahating araw na lamang ang pasok sa gobyerno sa lalawigan upang makaiwas sa matinding init ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodito Albano III kanyang sinabi na bukas siya sa ideya na gawing kalahating araw ang pasok sa gobyerno kung saan magsisimula ito ng alas sais at matatapos ng alas onse ng umaga.

Aniya kakausapin niya ang mga department heads upang ipahayag ang ideya at kuhanan na din sila ng salaysay.

Dagdag pa ni Gov. Albano na mas mainam umano ito kaysa gawing apat na araw lamang ang pasok sa gobyerno sa loob ng isang linggo.

--Ads--

Titingnan pa naman umano kung posible ba ito at hindi ipinagbabawal sa batas.

Samantala wala naman umanong nakikitang pagtaas sa konsumo ng kuryente sa kapitolyo sa kabila ng mainit na panahon.