--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa walumpot dalawa ang kaso ng tigdas Sa apat na lalawigan sa ikalawang rehiyon batay sa datos ng Kagawaran ng kalusugan o DOH region 2.

Pinakamarami ang naitala sa lalawigan ng Cagayan na 30 habang ang isabela ay 25, sa Nueva Vizcaya ay 17 at sa Quirino ay 10.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Bryan Galapia, national immunization program coordinator ng DOH region 2 na tumaas ng 645% ang mga tinamaan ng tigdas kung ihahambing noong enero hanggang pebrero noong 2018.

Ang mga naitalang tinamaan ng tigdas ay mula 22 na buwang gulang hanggang 37 anyos.

--Ads--

Sinabi ni Dr. Galapia na patuloy ang monitoring ng DOH region 2 at bago pa man dumami ang mga kinapitan ng tigdas ay mayroon nang ginagawang hakbang ang mga health workers sa mga bayan at lunsod.

Ayon kay Dr. Galapia, pinag-aaralan ni Dr. Rio Magpantay, panrehiyong director ng DOH Region 2 kung bawat munisipalidad o lalawigan ang pagdedeklara ng measles outbreak depende sa bilis ng pagkalat ng tigdas o kung may nasawi sa isang bayan o lunsod.

Ayon kay Dr. Galapia, walang kinalaman sa kontrobersiyal na dengvaxia vaccine ang pagtaas ng kaso ng tigdas kundi ang mga tinamaan ng kaso ngayon ay ang mga bata noong 2014 na hindi nabakunahan sa isinagawang massive immuzation noong 2014.