--Ads--
CAUAYAN CITY SA SAN MATEO, ISABELA – Apatnaraan at pitumput isa tokhang responders ang nagtapos sa community based rehabilitation program ng DILG.
Hiniling ng mga otoridad sa mga tokhang responders na ito na ang unang hakbang ng kanilang pagbabago at dapat nilang ipagpatuloy.
Binati rin ni Police Chief Inspector Richard Gatan, hepe ng San Mateo Police Station sa kanyang pagsasalita ang mga tokhang responders na nagtapos sa community based rehabilitation program.
Ang pagtatapos ng mga tokhang responders sa community based rehabilitation program ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay, mga pinuno ng Pulisya at PDEA sa Isabela, kasama na rin ang religious sector.
--Ads--




