--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 4,643 ang mga benepisaryo ng Bombo Medico 2019 mula sa Isabela at mga kalapit na lalawigan sa region 2.

Ang Bombo Radyo Cauayan ay nagkaloob ng maraming serbisyo at isang milyong pisong halaga ng mga gamot sa Dugong Bombo 2019 na ginanap sa Our Lady of the Pillar College Cauayan (OLPCC) sa San Fermin, Cauayan City.

Kabilang sa mga ibinigay na serbisyo ang medical, dental, optical, libreng konsultasyon sa mata, libreng blood sugar test at blood typing, free legal assistance, free massage, haircut at pamamahagi ng mga school supplies sa mga bata.

Samantala, labis na nagpapasalamat ang isang ginang matapos siyang makatanggap ng wheelchair sa ginanap na Bombo Medico 2019.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Grace Bartolome ng Dianao, Cauayan City, sinabi niya na mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang hindi niya maigalaw ang kanyang paa dahil sa naipit na ugat matapos siyang madulas.

Aniya, napakalaking tulong ang wheelchair mula sa mga donors dahil hindi na siya binubuhat, makakatulong siya sa mga trabaho sa kanilang bahay at maaalagaan na niya ang kanyang bunsong anak.

Labis din ang nagpasasalamat ng isang lolo at ng kanyang misis na naputol ang isang paa dahil sa diabetes matapos silang mabigyan ng mga libreng gamot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay lolo Samson Dumali, 86 anyos at residente ng Bantug, Tumauini, Isabela, sinabi niya pareho silang may high blood ng kanyang misis at nagpapasalamat sila dahil nabigyan sila ng libreng maintenance at vitamins.

Ang tinig ni lolo Samson Dumali

Masaya rin si Ginang Lonilyn Juan ng Minanga, Naguilian, Isabela na nabigyan ng libreng gamot matapos na magpa-check up dahil sa pananakit ng kanyang mata, tiyan at likod.

Benepisaryo rin ang kanyang kapatid na si Ginang Susan Gonzales na nagpacheck-up sa kanyang mga karamdaman.

Nabigyan din ng libreng serbisyo at mga gamot sina Ginang Virginia Clavo, 76 anyos at ng kanyang asawa.

Ang tinig ni Gng. Virginia Clavo

Nagpapasalamat din ang mga batang magpipinsan na sina Princess Cunanan, Mely Cunanan, Jessie Mae Garcito at Ivan Hero na nagpabunot ng kanilang mga ngipin.

Samantala, mahigit 200 ang nabigyan ng free legal assistance ng mahigit 20 abogado sa ginanap na Bombo Medico 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Lucky Damasen, ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Isabela Chapter, nagpapasalamat siya sa Bombo Radyo Philippines dahil sa pagkakataon na naibigay sa kanila na makibahagi sa Bombo Medico at magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga kapus-palad.

Aniya, karamihan sa mga problema na idinulog sa kanila ng mga mamamayan ay tungkol sa lupa.

Ang tinig ni Atty. Lucky Damase