--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabigyan na ng tulong ng DSWD region 2 ang halos animnapung pamilya na naapektuhan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Gonzaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Gaspar, Disaster Information Officer ng DSWD Region 2 na pinangunahan ni Regional Director Cesario Joel Espejo  kasama ang Asst. Regional Director for Operations Franco Lopez  at si Ginoong Mar Dameg, Hepe ng Disaster Response Management Division ang pamimigay ng food packs.

Bukod sa mga Family Food Packs ay  nagbigay din sila ng hygiene kits, sleeping kits, food pack at tig tatlong libong pisong cash sa limampu’t siyam na pamilyang kailangang lumikas dahil sa sagupaan ng mga sundao at rebeldeng pangkat.

Ang tatlumpu’t siyam na pamilya na kinabibilangan ng mga agta Family ay kusang lumikas sa Barangay Gymnasium ng Santa Clara dahil sa takot na madamay sa sagupaan.

--Ads--

Ang mga Evacuees ay walang  nadalang kagamitan  dahil sa pagmamadaling lumikas.