--Ads--

CAUAYAN CITY– Magandang development ang paggamit ni Pangulong Joe Biden ng kanyang clemency power para mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga hinatulang mabilanggo sa mga non-violent drug charges sa Amerika.

Mayroong 75 na hinatulang mabilanggo ang naibaba ang taon ng kanilang pagkabilanggo habang 3 ang binigyan ng pardon.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington D.C. na alam ni Pangulong Biden hindi naging makatarungan ang criminal justice system dahil nahatulan na mabilanggo ang ilan dahil kabilang sila sa minority.

Sinunod aniya ng pangulo ang proceso tulad ng pagdaan sa Justice Department sa aplikasyon para sa pardon upang matukoy kung kuwalipikadong bigyan ng kapatawaran.

--Ads--

Marami pang aplikasyon para mapagkalooban ng clemency at maaaring mapagpasyahan ito sa mga susunod na buwan o taon.

Dapat aniyang gawing modelo sa justice system ang ginawa ni Pangulong Biden na tingnan ang sitwasyon ng mga itim at minority at bigyan ng ikalawang pagkakataon para ganap na magbago.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito