CAUAYAN CITY- Pumalo na sa halos dalawang libo ang naitalang kaso ng Covid 19 sa rehiyong dos ngayong taon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jellico Bryan Cabatotan, Senior Health Program Officer ng Emerging and Re-emerging Infectious Diseases, Infectous Disease Cluster sinabi niya na simula unang araw ng Enero hanggang ika-22 ng Hunyo ay nakapagatala ang lambak ng Cagayan ng 1,839 na kaso ng Covid-19.
Aniya, mula sa nabanggit na datos ay 76 lamang ang aktibong kaso, 1,714 ang naka-recover na mula sa sakit habang 45 naman ang nasawi.
Ang lalawigan naman ng Cagayan ang may pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 31, Isabela na mayroong 27, isa sa Quirino, isa sa Batanes at 16 sa Lungsod ng Santiago.
Aniya limampu’t animsa mga ito ang hindi bakunado dahil karamihan aniya sa kanila ay 0-9 years old at hindi eligible para sa Covid 19 vaccine.
Aniya, wala umanong travel history ang mga active cases at posibleng nakuha umano nila ang virus sa loob ng rehiyon.
Bagama’t nakapagtala ang rehiyon dos ng 1,839 na aktibong kaso ng Covid 19 ay nananatili pa din ito sa low risk classification dahil 47% itong mas mababa kung ikukumpara noong nakaraang taon na umabot sa 3, 460.
Sa ngayon ay wala na aniyang available na stock ng Covid 19 vaccine ang Region 2 ngunit umaaasa sila na makakatanggap sila ng Bivalent vaccine ngayong taon.
Pinaalalahanan naman niya ang lahat na ugaliing magsuot ng face mask at mag-disinfect pangunahin na ang mga nagtutungo sa hospital upang maiwasan na mahawaan ng sakit.