--Ads--

CAUAYAN CITY – Halos isang daang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang napagkalooban ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JCInsp. Ericley Louise Lazaro, Jail Warden ng BJMP Santiago City, sinabi niya na halos isang daang PDLs na ang nakapag-avail ng GCTA sa piitan simula noong Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Mula sa guidelines na ibinaba ng Technical Working Committee na binubuo ng DOJ, BJMP at ilan pang ahensya ng pamahalaan ay matagumpay na nabigyan ng pribelehiyo ang mga karapat dapat na mga detainee.

Hindi naman pasok sa programang ito ang mga presong sangkot sa Heinous crimes kabilang ang panggagahasa, pagpatay, panghohold-up at iba pang karumal-dumal na krimen dahil sa sintensya na habang buhay na pagkakakulong.

--Ads--