CAUAYAN CITY- Muling nagkasagupaan ang militar at NPA sa Barangay Salay, Dipaculao, Aurora pasado alas singko kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Aries A. Quinto Acting Commander Officer ng 91st Infantry Battalion muli nanaman silang nakatanggap ng impormasyon na may mga armadong grupo sa lugar kaya agad nagsagawa ang kanilang tropa ng Hot Pursuit Operation para tugisin ang mga miyembro ng CPP-NPA sa lugar.
Sa kanilang operation nakuha nila ang isang M14 riffle na pinaghihinalaang gamit ng makakaliwang grupo.
Matatadaan na noong umaga ng May 20 ay nakasagupa ng militar ang nasa humigit kumulang 20 na miyembro ng KRGL Barangay Toytoyan, Dipaculao Aurora.
May ilang kuhang mga videos din ang mga residente kung saan makikitang naglulunsad ng airstrike ang militar sa kuta ng mga rebeldeng New Peoples Army na kasapi ng Komiteng Rehiyon sa Gitnang Luzon.
Nauna nang kinundina ni Aurora Governor Reynante Amansec Tolentino ang kaguluhan na dulot ng NPA.
Sa kaniyang pahayag binigyang diin niya na ang pangunahing naapektuhan sa kaguluhan sa bayan ng Dipaculao ay ang mga sibilyan.
Sa nakuhang impoermasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa kasalukuyan ay nasa 158 na pamilya o katumbas ng 500 indibiduwal ang inilikas at kasalukuyang nas Dipaculao Sports complex, 50 pamilya o 210 indibiduwal ang pansamantalang nasa Ipil Sports Complex at 67 pamilya o 267 na indibiduwal ang nasa Lipit Evacuation Center.
Samantala, nagbabala ang Dipaculao Police Station kaugnay sa mga indibiduwal na nagpapakalat ng mali o hindi beripikadong impormasyon.
Tiniyak naman ng PNP na sinisikap nila ang kanilang makakaya para mapanatiling ligtas ang buong Bayan ng Dipaculao.