CAUAYAN CITY- Dalawang taon ang gugugulin ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) region 2 upang sa pagpapatayo ng bagong tulay sa Angadanan, Isabela.
SA panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Wilson Valdez, Informaton Officer ng DPWH Region 2, sinabi niya na matagal ng nahihirapan ang mga apektadong mamamayan dahil sa pagkasira ng naturang tulay noong nanalasa ang Bagyong Pedring at Quiel noong 2011.
Anya, kamakailan ay naiconvert bilang national road ang kinaroroonan ng nasabing tulay kaya’t pinaglaanan ng pondo ng national government para sa paggawa dito.
Sinabi pa ni G. Valdez na ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P/482 milyon at ang tulay na gagawin ay may habang 450 metro.
wala ng re-routing na gagawin para sa pagsasagawa ng tulay dahil sa hindi na rin umano gagalawin ang dating Pigalo Overflow Bridge dahil magtatayo na lamang ng panibagong tulay sa tabi nito.




