--Ads--

Maraming mga nagtratrabahong Pilipino na sa South Korea ang apektado dahil sa patuloy na kilos protesta para sa impeachment laban kay South Korean President Yoon Suk Yeol.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Ace Balangui na apektado na ngayon ang hanap buhay nilang mga Pilipino dahil sa kaliwa’t kanang kilos protesta.

Aniya kamakailan na nagtipon tipon ang mga hindi pabor sa pamumuno ni President Yoon matapos na hindi maisakatuparan ang nihaing impleachment laban sa kaniya.

Isa sa mga nais ng mga Democrat supporter na mapanagot si President Yoon matapos niyang ipatupad ang emergency martial law na kalaunan ay agad ding binawi.

--Ads--

Maraming mga kapartido ni President Yoon ang hindi pumabor sa inihaing impeachment ng Democratic Party para sana siya ay mapanagot dahil sa kaniyang ginawa.

Maliban sa kanilang hanap buhay ay apektado na ngayon ang sektor ng transportasyon kaya may delay na para sa mga taong pumapasok sa trabaho na mumagamit ng public transport.

Dahil sa napaka kapal na bilang ng mga protesters ay nahihirapan narin ang mga Pulis para makontrol ang mga ito.