--Ads--

CAUAYAN CITY- Naglabas ng pahayag ang hanay ng mga senior citizen sa lungsod ng Cauayan sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ngayong araw.

Hindi presyo ng produkto sa merkado o produktong petrolyo ang hiling ng mga matatanda kundi kahilingan na sana ay maipasa na ang universal pension para sa kanila.

Ayon kay tatay Villamor Mauricio, Senior Citizen President ng Tanap Region Cauayan City Isabela, sila ang nakakatanggap ng mga hinaing ng mga kapwa nila Senior Citizen.

Aniya, minsan ay nasisisi na rin sila kung bakit may mga hindi naisasama sa listahan ng mga nakakakuha ng pension.

--Ads--

Giit ni tatay Mauricio, walang ibang kahilingan ang hanay ng karamihan sa mga seniors kundi ang lahat sana ay magkaroon ng pension.

Kaya naman, umaasa ang mga ito na sana ay maisama sa magiging SONA ng pangulo ang benepisyo nilang matatanda.

Sa lungsod ng Cauayan, mahigit 16 000 ang mga rehistradong senior citizen.

NgunitNasa 5 000 lamang nakakakuha ng kanilang social pension.

Sakaling maisabatas ang universal pension, lahat ng mga senior citizen ay makakatanggap ng kanilang social pension.