--Ads--

Isinagawa ngayong araw ang iba’t ibang aktibidad bilang bahagi ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat”.

Kabilang dito ang Handog ng Pangulo Job Fair na isnagawa sa SM Cauayan, nasa mahigit 1, 096 job vacancies mula sa 22 private company ang pumunta sa nasabing job fair na nilakuhan naman ng mga job seeker kabilang ang mga professional skilled workers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reginald Estioco ang Provincial Director ng DOLE Isabela, sinabi niya na puntirya nila ang nasa 3,500 beneficiaries sa lahat ng mga programa ng DOLE ngayong araw sa buong Lalawigan ng Isabela.

Kabilang dito ang payout para sa Special Program for the Employment of the Students o SPES kung saan ipinagkakaloob nila ang temporary work oppurtunity tuwing bakasyon o semestral break kung saan binabayaran ng partner agencies ang 60% ng kanilang sahod habang 40% naman ang inaako ng DOLE.

--Ads--

Maliban sa SPES ay mayroon ding Government Internship Program na para sa mga graduates na walang permanenteng trabaho.

Sa ngayon ay ikinatuwa ng DOLE Isabela ang magandang turnout ng mga aktibidad na inilunsad kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.