Usap-usapan ngayon ang love interest ni Emma Watson matapos siyang mamataan kasama ang Mexican billionaire na si Gonzalo Hevia Baillères.
Nakunan silang naghahalikan sa paliparan at pagkatapos ay nag-dinner date.
Ayon sa ulat nakuhanan ng litrato ang Harry Potter star at ang negosyanteng Mexican billionaire.
Ito ay ilang buwan matapos silang unang makita nang magkasama sa French Alps sa Courchevel noong Disyembre 2025.
Si Baillères ay kabilang sa isa sa pinakamayaman at kilalang pamilya sa Mexico, na nasa likod ng Grupo BAL at El Palacio de Hierro—isang kumpaniya na nakatuon sa pagmimina, insurance, retail, at finance. Siya rin ang founder at CEO ng Lok, isang kumpanyang gumagamit ng smart lockers para sa mas madaling online deliveries, pickups, at returns.
Bago si Watson, nakarelasyon ni Baillères ang Spanish-Mexican singer na si Belinda mula 2022 hanggang 2024.
Samantala, si Watson naman ay na-link kay Brandon Green noong 2022, anak ng fashion executive na si Sir Peter Green.





