Tila hindi na magkamayaw ang fans ng English singer-songwriter na si Harry Styles dahil very soon ay magri-release na siya ng ika-apat na studio album.
Pinamagatan itong “Kiss All the Time. Disco, Occasionally” at nakatakdang ilabas sa March 6.
Ito ang first full-length project ni Harry sa loob ng apat na taon.
Ito ang kasunod ng critically acclaimed synth pop record na “Harry’s House” noong 2022, na nagbigay sa international singer ng pinakamataas na parangal bilang Album of the Year sa 2023 Grammy Awards.
Sa social media, ibinahagi ng dating One Direction star ang cover ng bagong album, na makikita siyang naka-T-shirt at jeans sa gabi, at nakatayo sa ilalim ng kumikislap na disco ball na nakasabit sa labas.
Ayon sa press release, tampok sa “Kiss All the Time. Disco, Occasionally” ang 12 tracks at executive produced ni Kid Harpoon.
Si Kid ay matagal nang collaborator ni Harry mula pa sa simula ng kanyang solo career at siya ang tumulong sa lahat ng albums ng huli mula 2017 self-titled debut nito.




