Nakaantabay na ang lahat para sa ilalabas na pasya ng korte laban sa mga kasong kinakaharap ni President -Elect Donald Trump.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na hati ang opiniyon ng lahat kaugnay sa mga kasong naisampa laban kay Trump .
Aniya, Nakatakdang ilabas ng New York judge sa hush-money case ni US President-elect Donald Trump ang kaniyang hatol sa January 10.
Una na ring inihayag ni Judge Juan Merchan, na ang maaring mahatulan si Trump ng conditional discharge kung saan maaaring ang kaso ay maibasura ng walang pagkakakulong, multa o probation para makadalo ng personal o virtual para sa pagdinig.
Matatandaan na nagbunsod ang kaso sa pagkaka-convict kay Trump noong Mayo ng 34 felony counts ng pamemeke ng business records na may kaugnayan sa pagbabayad niya ng $130,000 kay adult film star Stormy Daniels.
Una na ring bumalik sa serbisyo ang hukom na may hawak sa ilang kaso para muling ipag patuloy ang paglilitis kahit matagal ng namatay ang naturang mga reklamo.
Samantala inimbitahan ni US President Elect Trump si Chinese PResident Xi Jin Ping sa ingagurasyon sa susunod na Linggo subalit wala pang pormal na pahayag si Xi kung siya ba ay dadalo o hindi.
Aasahan narin ang mahigpit na seguridad sa gaganaping inagurasyon ni Trump kung saan isa siya sa mga pinadalhan ng imbitasyon.