CAUAYAN CITY – Inamin ng ilang nagtuturo ng Taekwondo na naapektohan sila sa napaulat na pambubully ng isang mag-aaral at manlalaro ng Teakwondo sa kapwa niya mag-aaral sa isang paaralan sa kalakhang maynila.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Emerson Macadangdang, head Instructor ng Teakwondo sa lungsod ng Cauayan , ikinagulat nila ang naturang pangyayari kaya mas naghigpit sila sa pagdidisiplina sa kanilang mga tinuturuang manlalaro.
Mas lalo rin nilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang ng kanilang manlalaro upang maging katuwang sa paggabay sa mga bata.
Ayon kay Macadangdang, maaaring hindi nabantayan ng maigi ng magulang at mga guro ang nabanggit na mag-aaral kaya nagawa niyang mambully sa kapwa -aaral.
Binigyang diin pa ni Macadangdang na layunin ng larong Teakwondo na magkaroon ng disiplina ang mga kabataan at mailayo sa masamang bisyo o gawain.