--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapasalamat ang pangulo ng samahan ng mga kawani ng isang malaking ospital sa National Capital Region na may iniwan na batas ang pangasiwaang Duterte na nagsusulong ng mga benepisyo ng mga healthcare workers

Gayunman, nalulungkot sila na ang batas para Health Emergency Allowance ay unprogram pa o ihahanapan pa ng pondo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jao Clumia, pangulo ng St Luke’s Medical Center Employees Association na batay sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na General Appropriations Act o GAA noong ikatatlumpo ng Nobyembre 2021 ang pondo para sa One Covid Alllowance ay doon lahat ilalagay ngunit pinaglaanan lang ito ng 7.9 billion pesos.

Malayo ito sa halos 52 billion pesos na nakasaad sa General Appropriations Act kaya ito ang hinahabol ngayon dahil kamakailan ay sinuspindi ng Comelec ang pagbibigay ng mga benepisyo ng mga health care workers dahil sa election period.

--Ads--

Binigyang-diin ni Ginoong Clumia na ano ang kinalaman ng halalan sa benepisyo para sa mga healthcare workers gayong patuloy ang banta ng COVID-19 na nagkakaroon pa ng iba’t ibang porma ng variant.

Para silang bata aniya na pinapangakuan dahil sa pahayag ni Dr. Gloria Balboa, director ng Center for health development o CHVD sa NCR na nagsabing hintayin hanggang katapusan.

Sa kanyang pag-follow up kahapon ay sinabi sa kanya na naisama sa resolusyon sa suspension na inilabas ng Comelec.

Iginiit ni Ginoong Clumia na ang bagong batas para sa Health Emergency Allowance ay papogi lang at mahaba pa ang proseso dahil gagawan pa ng Implementing Rules and Regulations o IRR na dadaan sa mabusising proseso.

May dalawang buwan bago matapos ang IRR kaya wala na sa puwesto si Pangulong Duterte ay hindi pa maipapatupad.

Problema pa kung hindi ito magiging prayoridad ng susunod na pangulo ng bansa ay hindi ito mapapakinabangan ng mga healtcare workers.

Ayon kay Ginoong Clumia, pagkatapos ng halalan ay magsasagawa sila ng pagkilos.

Bahagi ng pahayag ni G. Jao Clumia